Home NATIONWIDE Barangay Skilled Workers Registry Act, umusad na sa Kamara

Barangay Skilled Workers Registry Act, umusad na sa Kamara

165
0

MANILA, Philippines – Pasado na sa ikalawang pagbasa sa House of Representatives ang House Bill 7719 o panukalang pagkakaroon ng Barangay Skilled Workers Registry Act.

Sa kanyang sponsorship speech sa House Plenary, sinabi ni Cavite Rep. Jolo Revilla, pangunahing may-akda ng panukala, na ang pagkakaroon ng workers registry sa mga komunidad ay magbibigay ng oportunidad sa mga manggagawa na magkaroon ng sideline o dagdag na trabaho.

“This bill recognizes a simple but powerful truth—skills already exist in our communities. What has been lacking is visibility and structured linkage to opportunity,” ani Revilla.

“Kapag nakikita at naitatala ang kakayahan ng ating mga manggagawa sa antas ng barangay, mas nagiging mabilis at mas episyente ang pagtutugma ng trabaho at serbisyo,” dagdag pa nito.

Sa ilalim ng panukala, ang mga barangay ay inaatasang magkaroon ng registry of skilled workers kung saan maaaring makuha ang serbisyo sa komunidad, kabilang dito ang mga carpenters, electricians, welders, mechanics, tailors, technicians, caregivers, at iba pang service providers.

“The registry shall be publicly accessible, posted at the barangay hall and, where available. The bill makes clear that registration is entirely free and voluntary. It expressly prohibits the collection of any registration fee from skilled workers, ensuring that no additional financial burden is imposed on individuals seeking inclusion in the registry,” nakasaad sa panukala.

Ang mga skilled workers ay kailangan lamang magpatala sa barangay ng kanilang information details upang mas madali silang makuha kung may mangangailangan ng kanilang serbisyo.

“Hindi na kailangang maghanap pa sa malalayong lugar ang mga nangangailangan ng serbisyo. At para sa mga manggagawa, mas madali nang makahanap ng oportunidad sa kanilang mismong komunidad. Ang layunin natin ay gawing mas malapit, mas mabilis, at mas inklusibo ang access sa kabuhayan,” ani Revilla.

Sa oras na maibatas, aatasan ang mga barangay sa tulong ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na magkaroon ng digital record ng skilled workers sa kanilang lugar na maaari ring magamit ng Public Employment Service Offices (PESOs) at TESDA sa pagrerekomenda ng trabaho.

Ang HB No. 7719 ay inaasahang maipapasa sa ikatlong pagbasa sa susunod na linggo. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here