Manila, Philippines – Unfair kay Barbie Forteza ang panlalait sa kanya now that she’s back to being single.
Matatandaang nitong January 2 when the Kapuso actress took to her social media account para ianunsyong break na sila ni Jak Roberto.
Pitong taon din ang kanilang relasyon.
Samantala, split na rin si Davia Licauco sa kanyang nobya.
At the launch of his new coffee business, nag-post si David na naghahanap siya ng girlfriend.
Malinaw na walang pangalang binanggit ang aktor, pero parang sure na sure ang ilang
mapanghusgang netizens na ang tinutukoy niya’y si Barbie.
Dahil sa kanilang maling suspetsa kung kaya’t kaliwa’t kanan ang inaabot na pangungutya ng GMA Primetime Princess.
Kesyo imposible raw itong patulan ni David dahil hindi naman Chinese ang angkan ng aktres.
Maging racist ba?
On top of that ay hindi raw naman mula sa yayamaning pamilya si Barbie.
Lest these judgmental netizens forget, ang nakahiwalayang nobya ni David ay hindi rin naman Chinese.
Kahit ang Kapamilya actress na na-link noon kay David ay hindi rin Chinese.
Saka kung pagiging yayamanin ang pag-uusapan, Barbie may not come from a very affluent family pero sa sipag nito’y nakapagpatayo siya ng kanyang dream house.
Self-made kumbaga ang aktres, bagay na nakakabilib.
Hindi natin hawak ang kinabukasan–malay natin na ang ending ay sina Barbie at David ang magkatuluyan?
Eh, ‘di napahiya pa ang mga bashers ni Barbie! Ronnie Carrasco III