MANILA, Philippines – PORMAL na nanumpa na sa kanyang tungkulin si Atty. Johann Carlos Barcena bilang bagong commissioner at chairperson of the National Privacy Commission (NPC).
Pinangasiwaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang oath taking ni Barcena sa Palasyo ng Malakanyang.
Si Barcena ay nagsilbi noon bilang executive director ng Governance Commission for GOCCs (GCG).
Ayon sa Republic Act 10173 o Data Privacy Act, ang privacy commissioner ay magsisilbi para sa three-year term at aakto bilang chair ng NPC. Kris Jose