Home NATIONWIDE Baril na ginamit sa pagpatay sa pulis sa Cebu, narekober sa drayber...

Baril na ginamit sa pagpatay sa pulis sa Cebu, narekober sa drayber na ipinatago ng suspek

315
0

MANILA, Philippines – Arestado ng Pasay City police ang isang drayber matapos marekober ang isang baril na ginamit sa krimen na ipinatago sa kanya ng suspek Biyernes ng gabi, Oktubre 31.

Kinilala ni Pasay City police chief P/Col. Joselito De Sesto ang nadakip na suspek na si alyas Romel, 37, residente ng Western Bicutan, Taguig City.

Ayon kay De Sesto, naganap ang pagdakip kay alyas Romel bandang alas 9:10 ng gabi sa harap ng Andres Pares and Budbod na matatagpuan sa Seaside Drive, Coastal Road, Barangay Tambo, Paran̈aque City.

Sinabi ni De Sesto na si alyas Romel ang nagtago ng kalibre 45 pistola na ginamit sa pagpatay kay P/Capt. Joel Hernan Deparine at ikinasugat din ni Police Executive Master Sergeant Artchel Tero, kapwa nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Region 7.

Napag-alaman din kay De Sesto na nangyari ang insidente ng pamamaril sa Sitio Balaw, Barangay Sudion 2, Cebu City, kung saan kinilala ang pangunahing suspek sa krimen na si alyas Leonardo, isang army reservist.

Matatandaan na sumuko si alyas Leonardo sa Pasig City police nitong nakaraang Oktubre 29 at agad na adinala ito sa Cebu City para sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa kanya.

Dagdag pa ni De Sesto na nakipag-ugnayan sa kanya ang director ng Cebu City police na si P/Col. Enrico Figueroa para sa pagsasagawa ng operasyon na nagresulta ng pagkakaaresto kay alyas Romel at pagkarekober din ng .45 kalibreng baril na may 17 piraso ng bala na ginamit sa krimen. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here