Home NATIONWIDE ‘Barista app’ magagamit na muli ng mga kukuha ng Bar Exams

‘Barista app’ magagamit na muli ng mga kukuha ng Bar Exams

MANILA, Philippines- Naibalik na ang operasyon ng online application platform para sa mga aplikante sa 2024 Bar examination.

Iniulat ng Office of the Bar Confidant (OBC) na maari na muling magamit ng mga aplikante ang Bar Application Registration System and Tech Assistance (Barista) matapos hindi gumana ang sistema nitong Miyerkules na nagdulot ng kaguluhan sa law graduates.

Ang Barista ang ginagamit ng Bar applicants upang mag-upload ng requirements at i-monitor sng status ng kanilang aplikasyon.

Ipinaliwanag ni Supreme Court Spokesperson Camille Sue Ting na sumailalim lamang ang Barista app sa pag-update na nagdulot ng panandaliang error.

Sa inilabas na abiso ng Office of the Bar Confidant, pinapayuhan ang mga aplikate na maari nang malaman ang estado ng kanilang Bar application.

Ipinaalala sa mga aplikante na kailangan nilang isumite ang kopya ng deferred documents sa OBC bago sumapit ang October 15.

“Failure to upload and submit all necessary deferred documents within the period will result in disqualification,” nakasaad sa kalatas ng OBC.

Sa kasalukuyan ay nasa 12,246 applications ang nirerebyu ng OBC.

Ang digitalized Bar examination ay idaraos sa September 8, 11, at 15 sa mga itatalagang Local Tedting Centers (LTC). Teresa Tavares