Home NATIONWIDE Barko ng PCG, BFAR muling nakaranas ng panghaharas ng China

Barko ng PCG, BFAR muling nakaranas ng panghaharas ng China

132
0

MANILA, Philippines – Muling nakaranas ng pangha-harass ang mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) mula sa mga barko ng China.

Ayon kay CG Commodore Jay Tarriela, ginamitan ng water cannon ng China Coast Guard (CCG) vessel 3302 ang BRP Datu Pagbuaya ng BFAR at PCG.

Ang insidente ay nangyari kaninang alas-6:30 ng umaga, Disyembre 4 sa bahagi ng 16 nautical miles timog ng Bajo De Masinloc kung saan pakay ng mga Tsino ang navigational antennas ng barko ng BFAR.

Ayon pa sa PCG, sinadya rin umanong banggain ng CCG ang gilid ng BRP Pagbuaya bago muling binomba ng tubig.

Hinarang at binuntutan at ginawan ng delikadong mga pagmaniobra ang BRP Teresa Magbanua mula sa PLA Navy vessel 500 at CCG 503.

Habang ang BRP Cabra naman ay nakaranas rin ng dangerous maneuvers mula sa CCG 3104.

Sinabi ni Tarriela na ang insidente ay nangyari habang nagsasagawa ng routine patrol bilang suporta sa mga mangingisdang Pilipino ang PCG at BFAR sa bahagi ng Bajo De Masinloc.

Sa kabila nito,, tiniyak ni Tarriela na hindi titigil ang PCG at BFAR sa commitment nila na pangalagaan ang interes ng mga mangingisdang Pilipino. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here