MANILA, Philippines – SINABI ng National Security Council (NSC) na patuloy na magpapatrolya ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Escoda (kilala rin bilang Sabina) Shoal sa West Philippine Sea.
Taliwas ito sa inihayag ng ilang sektor na di umano’y isinuko na ng Pilipinas ang Escoda Shoal sa pag-alis ng BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) nito lamang unang bahagi ng buwan.
“Definitely, I can say with confidencena hindi po tayo umatras dyan in the sense na parang ibinigay natin sa China, nagkaroon lang po tayo ng repositioning,” ang sinabi ni NSC spokesperson Assistant Director General Jonathan Malaya sa isang panayam.
Sinabi pa ni Malaya na kailangan ng mga personnel ang supply reprovision at ilang pagkumpuni sa barko dahil sa pinsalang natamo sa insidente ng banggaan noong Agsto.
Aniya pa, nilinaw ni National Security Adviser Eduardo Año na mayroong relief ship para sa BRP Teresa Magbanua.
Ang Escoda Shoal ay nakahimlay sa 75 nautical miles ang layo mula sa Palawan at nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
“May Coast Guard vessel na po tayo na nagpapatrolya saEscoda Shoal, soang ginagawa naman po nung ating Coast Guard vesselay bantayan, siguruhin na walangreclamations,siguruhin na walang ilegalna nangyayari dyan saEscoda Shoal,” ang sinabi ni Malaya.
Hindi naman nagbigay ng anumang karagdagang detalye pa si Malaya ukol sa operational security reasons at para maiwasan ang ‘telegraphing plans at intensyon’ sa Tsina.
“So, nagkaroon po kami ng shiftsa aming Communications na hindi na po natin ipapaalam but we can assure the Filipino people na hindi po natin ibinigay ang Escoda Shoal,” aniya pa rin. Kris Jose