MANILA, Philippines – Isang landing craft tank (LCT) ang sumalpok sa seawall ng Caubian Island sa Lapu-Lapu City nitong madaling araw ng Nobyembre 10, habang dumadaan ang Super Typhoon Uwan sa Southern Luzon.
Ayon kay Barangay Councilwoman Kathy Meyers, ang barkong “LCT Golden Star 7” ay naipit na noong 2021 sa bagyong Odette at napadpad sa Caubian Island dahil sa malalakas na hangin at storm surge ng Uwan.
Sa kabutihang palad, hindi naapektuhan ang mga nakadaong na motorbanca at fish pens, at walang pinsala sa mga coral.
Gayunpaman, nasira nang husto ang seawall. Sinuri na ng Cebu Coast Guard ang lugar at iniulat na walang oil spill.
Nag-alala si Meyers sa presensya ng barko sa kanilang lugar dahil ito ay walang tauhan at napapailalim sa malalakas na alon at hangin. RNT