Home NATIONWIDE Basco, Palanan airports sarado sa bagyo

Basco, Palanan airports sarado sa bagyo

139
0

MANILA, Philippines – Suspendido ang operasyon ng Basco Airport at Palanan Airport dahil sa masamang panahon dulot ng Typhoon Carina.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (Caap), kanselado ang lahat ng mga flight papasok at paalis ng Basco Airport at Palanan Airport.

Kaugnay nito, marami na ring mga flight ang kinansela nitong Martes, Hulyo 23 dahil sa masamang panahon dulot ng bagyo at habagat na pinalakas ng naturang sama ng panahon.

Sa huling ulat, namataan ang Typhoon Carina sa layong 380 kilometro silangan, hilagang-silangan ng Tuguegarao City, Cagayan, taglay ang lakas ng hangin na 130 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 160 kph malapit sa gitna. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here