NEGROS OCCIDENTAL, Philippines – Kalunos-lunos ang sinapit ng magkakapatid matapos silang pasukin sa loob ng kanilang bahay ng hindi pa kilalang salarin at pinag pupukpok ng bato sa kanilang ulo na ikinamatay ng isa, iniulat kahapon sa Silay City.
Dead-on-the-spot ang 9-anyos na batang babae habang kritikal ang kanyang 14-anyos na Ate at 3-taong gulang na kapatid na lalaki, pawang mga residente ng Hacienda Badiang, Barangay E. Lopez, Silay City.
Batay sa paunang imbestigasyon ng Silay Police Station, bandang 11:00 AM Sabado Pebrero 7, 2026 naganap ang krimen sa loob ng bahay ng magkakapatid sa nasabing lugar.
Ayon kay Police Lt. Col. Edison Garcia, hepe ng Silay police, nakatanggap sila ng report dakong 1:00PM hinggil sa naturan krimen.
Sa pagresponde ng mga awtoridad, naabutan nila ang magkakapatid na duguan at wala ng buhay 9 na anyos na batang babae.
Agad naman dinala sa Teresita Jalandoni Provincial Hospital ang magkapatid para lapatan ng lunas ang tinamo nilang mga sugat na ngayon ay nasa maselang kalagayan.
Inaalam na rin ng mga awtoridad kung ginahasa ang 14 anyos na dalagita dahil naabutan itong bukas ang zipper ng pang-ibabang suot at pang-itaas na damit.
Sa pahayag ng tiyuhin ng mga biktima, nagtatrabaho sa ibang bansa ang ina ng kanyang mga pamangkin habang ang kanilang ama na kapatid nito at nagtatrabaho naman ibang lugar at lingguhan lamang ito kung umuwi.
Nagkataon naman hindi nakauwi ang ama dahil sa malakas na buhos na ulan .
Nagpapatuloy ang ginagawnag masusing imbestigasyon ng pulisya para sa pagkakakilanlan at agaran pagdakip para managot.
Samantala, nag-alok naman si Silay City Mayor Joedith Gallego ng ₱25,000 at P50,000 pabuya si Negros Occidental 3rd District Representative Javi Benitez, sa sinoman makapagturo at makahuli sa suspek. /Mary Anne Sapico