Home NATIONWIDE Batanes inuga ng M-5.7 na lindol

Batanes inuga ng M-5.7 na lindol

1
0

MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.7 ang Itbayat, Batanes nitong Miyerkules, Agosto 19.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang epicenter ng lindol ay naitala 144 kilometro hilagang kanluran ng Itbayat.

Tumama ang lindol 12:22 ng hapon at tectonic in origin. May lalim itong 10 kilometro.

Naramdaman ang Intensity I ng lindol sa Claveria, Cagayan, at Bacarra, Ilocos Norte.

Inaasahan ang mga aftershock kasunod ng lindol. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here