Home HOME BANNER STORY Batanes signal no. 2; 9 lugar swak sa signal no. 1 kay...

Batanes signal no. 2; 9 lugar swak sa signal no. 1 kay bagyong #CarinaPH

150
0

MANILA, Philippines – Isinailalim ang Batanes sa signal no. 2 habang 9 lugar pa ang nasa ilalim ng signal no. 1 sa pananalasa ng bagyong Carina, base sa inilabas na 11 a.m. bulleting ng PAGASA.

Kumikilos na pahilaga sa ibabaw ng Philippine Sea ang bagyo habang itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Batanes.

Pasok naman sa TCWS No. 1 ang:

-Natitirang bahagi ng Batanes (Sabtang),

-Cagayan kabilang ang Babuyan Islands

-ang silangang bahagi ng Isabela (Divilacan, Palanan, Maconacon, Dinapigue, Tumauini, Ilagan City, San Mariano, Cabagan, San Pablo, Santa Maria),

-northern portion ng Apayao (Calanasan, Luna, Pudtol, Flora, Santa Marcela),

-northern portion ng Ilocos Norte (Pagudpud, Bangui, Adams, Dumalneg, Burgos, Vintar ),

-ang hilagang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran),

-Polillo Islands,

-Calaguas Islands,

-at ang hilagang bahagi ng Catanduanes (Pandan, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Gigmoto, Caramoran)

Samantala, itinaas ng weather bureau ang yellow rainfall warning sa Metro Manila at pito pang lugar alas-11 ng umaga ngayong Martes, Hulyo 23.

Gutter-deep na baha sa Roxas Blvd. Service Road sa Ermita, Maynila ang sumalubong sa mga residente sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Carina. (Crismon Heramis)

Kabilang sa mga apektadong lugar ang Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Batangas at Tarlac, bukod sa Metro Manila.

Sinabi ng PAGASA na ang Southwest Monsoon (Habagat) na pinalakas ng Bagyong Carina ay nagdudulot ng malakas na pag-ulan.

Ang isang yellow rainfall warning ay nangangahulugan na ang mga residente ay dapat maging alerto dahil ang pagbaha ay maaaring magresulta sa mga lugar na madaling bahain.

Mahina hanggang sa katamtaman na may paminsan-minsang malakas na pag-ulan naman ang nararanasan sa Nueva Ecija, Rizal, Quezon at Laguna. Ang mga pag-ulan na ito ay maaaring magpatuloy sa loob ng tatlong oras, sabi ng PAGASA.

Pinayuhan ng weather bureau ang publiko at disaster risk reduction and management offices na bantayan ang lagay ng panahon at hintayin ang susunod na rainfall warning na ilalabas sa alas-2 ng hapon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here