Home METRO Batang babae, isa pa patay nang anurin ng baha sa Cavite

Batang babae, isa pa patay nang anurin ng baha sa Cavite

332
0

MANILA, Philippines – DALAWANG katao, kabilang ang isang 4-anyos na batang babae ang nalunod dahil sa baha dulot ng Habagat sa magkahiwalay na insidente sa lalawigan ng Cavite.

Sa nakalap na report, kinilala ang biktima na si alyas Christine, 4-anyos at isang hindi pa nakikilalang lalaki.

Ayon sa salaysay ng mag-asawang Rey at Maricon, bandang alas-3:30 kamakalawa ng hapon nang dumating sila sa kanilang bahay sa Brgy San Juan 1, Ternate, Cavite nang hindi nila naabutan sa loob ang kanilang anak na kanilang iniwan.

Napag-alaman na hinanap ng dalawa ang bata kung saan nakita ito sa katabing creek na nalunod kaya agad na isinugod sa San Lorenzo Ruiz Hospital subalit idineklarang dead on arrival.

Hindi naman binanggit kung iniwang mag-isa ang bata sa loob ng kanilang bahay.

Kasunod nito, sa Kawit, Cavite, bandang alas-4:00 kamakalawa ng hapon nang nadiskubre ng mga mangingisda ang bangkay ng biktima sa Territorial Sea Water malapit sa Fishing Village ng First Orient International Ventures Corporation, Brgy. Pulvorista, Kawit, Cavite sa tabi ng harang na mga kawayan na bakod.

Hinala ng mga mangingisda na inanod ang bangkay nito na napigil ng mga harang na kawayan kaya hindi na tuluyang inanod.

Wala namang nakitang anumang bakas ng pagpapahirap o mga sugat sa katawan ng biktima na kasalukuyang inilagak sa Ernest Funeral Homes para isalilalim sa awtopsiya.

Ang insidente ay naganap sa kasagsagan ng malakas na pagbuhos ng ulan dulot ng Habagat. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here