Home METRO Batang babae, utas sa sunog sa Las Piñas

Batang babae, utas sa sunog sa Las Piñas

305
0

LAS PIÑAS, Philippines – Isang 7-anyos na batang babae ang namatay umano sa pagka-suffocate matapos ma-trap sa loob ng banyo ng kanilang bahay nang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Golden Acres, Barangay Talon Uno, Las Piñas City, nitong Linggo ng hapon, Hulyo 20.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) itinaas sa unang alarma ang sunog alas-3 ng hapon at itinaas sa ikalawang alarma dakong 3:03 p.m. dahil sa siksikan ang mga bahay na gawa sa light materials.

Sa panayam sa radyo, sinabi ni Barangay Talon Uno Chairwoman Irene Gallardo na natagpuan ang 7-anyos na biktima sa loob ng banyo ng kanilang bahay na umaagos pa ang tubig sa gripo.

Sinabi din niya na ang mga rumesponde na nakapasok sa bahay ay nag-ulat na ang bata ay namatay sa suffocation at ang katawan nito ay hindi nasunog.

Idinagdag ni Gallardo na inamin ng mga magulang ng bata na iniwan nila itong mag-isa at ni-lock ang pinto dahil kailangan nilang umalis.

Sinabi rin ni Gallardo na nasa 50 pamilya ang naapektuhan at pansamantalang naninirahan sa Golden Acres Covered Court.

Ayon sa BFP tatlo pang indibidwal ang nasugatan sa insidente at inaalam pa nila ang bilang ng mga apektadong bahay.

Naapula ang apoy alas-4:43 ng hapon.

Inaalam pa ng arson investigators ang kabuuang halaga ng pinsala at ang sanhi ng sunog. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here