Home NATIONWIDE Batang nawalay sa nanay habang nagsisimba sa Quiapo, naibalik na

Batang nawalay sa nanay habang nagsisimba sa Quiapo, naibalik na

223
0

MANILA, Philippines – Pinayuhan ng pulisya ang mga magulang na ingatan at hawakan ang kanilang anak sa gitna ng siksikan ng mga tao at deboto na nagsisimba sa Kapistahan ng Poong Jesus Nazareno.

Kasunod ito ng nangyaring insidente kung saan isang ina ang nanawagan sa Plaza Miranda Police Community Precinct matapos mawalay ang kanyang apat na taong gulang na anak na babae habang nagsisimba.

Makalipas ang isang oras, habang nananawagan ang ginang sa presinto ay natagpuan din ang kanyang anak.

Base sa ibinigay na deskripsiyon ng ginang, ang kanyang anak ay nakasuot ng kulay pink na damit kaya agad ding naiturn-over sa kanya ang anak.

Nag-alala at nangamba naman ang ginang nang mawalay sa kanya ang kanyang anak dahil sa pag-aakalang nakuha na ito ng sindikato.

Payo ni P/Capt Dennis Turla, hepe ng Plaza Miranda Police Communist Precious, sa susunod ay ingatan at hawakan nang mabuti ang kanyang anak upang hindi na mawala. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here