Home NATIONWIDE Batas na nagpapaliban sa BSKE pinagtibay ng SC

Batas na nagpapaliban sa BSKE pinagtibay ng SC

297
0
(c) Remate File Photo

MANILA, Philippines – Pinagtibay ng Korte Suprema ang batas na nagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataang Elections sa susunod na taon matapos ibasura ang mga petisyon na kumukwestyon sa pagiging naayon sa Saligang Batas ng Republic Act No. 12232 na nagtatakda sa termino ng Barangay at Sangguniang Kabataan officials sa apat na taon.

Nakasaad sa desisyon na isinulat ni Associate Justice Jhosep Lopez na hindi saklaw ng three-year term limit ang mga barangay at SK officials gaya ng ipinatutupad sa ibang elective local officials.

Naghain ng petisyon ang ilang indibidwal kabilang na ang election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal na nagsabing invalid ang batas dahil sa pagkabigong sumunod sa guidelines sa pagpapaliban ng halalan.

Giit din ng mga petitioner na nilabag ng bagong batas ang karapatan ng taumbayan na makaboto at pumabor din ito sa mga kasalukuyang opisyal.

Ayon sa Korte Suprema, ang Kongreso ang may tanging kapangyarihan na magtakda ng termino ng mga barangay officials.

Sa ilalim ng bagong batas, isasagawa sa unang Lunes ng Nobyembre 2026 ang susunod na BSKE at idaraos kada apat na taon.

Dahil sa pagpapaliban ng halalan na unang nakatakda sa unang araw ng Disyembre ngayong taon, sinabi ng Korte Suprema na mananatili sa pwesto ang mga kasalukuyang opisyal hangga’t hindi pa nahahalal ang mga kapalit. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here