Home NATIONWIDE Batas sa kaligtasan ng mag-aaral vs karahasan, rerebyuhin ng Senado

Batas sa kaligtasan ng mag-aaral vs karahasan, rerebyuhin ng Senado

1
0

MANILA, Philippines – Nakatakdang rebyuhin at kung kinakailangan lagyan pa ng mas mahusay na mekanismo at pangil ang lahat ng batas hinggil sa kaligtasan ng mag-aaral sa paaralan kabilang ng Child Safety Act at Anti-Bullying Act.

Sa magkakahiwalay na pahayag, nagkasundo sina Senador Bam Aquinno, Pia Cayetano, Risa Hontiveros at Erwin Tulfo na rebyuhin ang lahat ng kaukulang batas para sa kaligtasan ng mag-aaaral sa loob ng paaralan.

Nagkaisa din ang apat na mambabatas na imbestigahan ang Insidente ng pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City na ikinamatay ng apat na mag-aaral at anim pa ang sugatan.

Uungkatin ng Senado sa isasagawang pagdinig sa child safety kung paano nakapasok o nakapagpasok ng baril ang dalawang suspek sa loob ng paaralan na ginamit sa pamamaril. Nakadakip ng awtoridad ang dalawang menor de edad na suspek at hindi inilantad ang pangalan ng suspek na pawang 15 at 16 anyos ang edad.

Bukod sa pag-rebyu, nakiramay din ang apat na mambabatas sa pamilya ng biktima, at nangakong aaksiyunan sa pamamagitan ng batas upang maiwasan ang Insidente sa hinaharap.

“Unang-una, nakikiramay tayo sa magulang, sa mga nagmamahal dun sa dalawang batang namatay at sa lahat ng mga nasaktan sa San Jose National High School,” ayon kay Aquino.

“Kailangan yung mga eskwelahan natin, mga lugar na ligtas at hindi mga espasyo ng takot at karahasan” aniya pa.

Tulad ni Aquino, sinabi din ni Hontiveros  bilang Chairperson ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality, gagawin ang lahat upang hindi na maulit kailanman ang school shooting sa ating bansa.

“Mahalaga na hindi ito maulit-ulit, ‘no? Di gaya ng mga ibang bansa na pangkaraniwan na mga school shooting. Sa ating bansa, hindi ito acceptable na mangyari ito. Kailangan malaman rin natin kung paano nakapasok yung mga armas, mga kutsilyo, mga baril. Hindi dapat ‘yan nakakapasok sa mga eskwelahan natin,” ayon kay Aquino.

Buong-pusong nakiramay din si Cayetano sa pagsasabing: “ To the families of those who were killed and wounded, and to the students, educators, and communities affected, I extend my deepest sympathies. As a mother, I grieve with you.”

Hinikayat din nina Cayetano, Hontiveros at Tulfo ang awtoridad na magsawa ng malalim na imbestigasyon kung paano nangyari ang Insidente at makahanap ng kaukulang pamamaraan na maiwasan ang Insidente sa hinaharap na ilalagay na probisyon sa panukala.

“Authorities must conduct a thorough investigation to determine the conditions that led these students to commit such violent acts against their fellow students. Addressing this requires a whole-of-society approach involving law enforcers, the Department of Education (DepEd), child protection and social welfare agencies, families, and communities,” ayon kay Cayetano.

Ayon naman kay Hontivetros, hindi dapat lugar ng takot at karahasan ang paaralan kundi maging ligtas na lugar at dapat mapanatili ang kaligtasan ng bawat mag-aaral upang makakios nang malaya at walang pangamba.

“Hindi tayo dapat masanay sa ganitong karahasan,” ayon kay Hontiveros.

Pero, kahit nakiramay sa pamilya ng biktima, mariining kinondena naman ni Tulfo ang naturang uri ng karahasan na nangyari sa loob mismo ng paaralan na dapat maging ligtas na lugar para sa ating kabataan.

“Ang iniulat na dahilan ng pamamaril ng mga menor de edad na suspek ay bullying. Bagama’t di tama ang naging paraan nila para resolbahin ang bullying sa kanila, isa po itong nakakaalarma na hudyat para sa lahat ng mga eskwelahan,” giit ni Tulfo.

Nanawagan din ang senador sa awtoridad na lagyan ng pangil ang implementsasyon ng Anti-Bullying Act.

“Kung dati ay masasakit na salita o pisikal na pananakit, at pagkitil sa sariling buhay ang resulta ng bullying, ngayon humantong na pagpatay sa ilang bata sa loob pa ng paaralan na itiruturing nilang ikalawang tahanan,” ayon kay Tulfo.

“Bilang Chairman ng Senate Committee on Social Justice, Welfare, and Rural Development, nananawagan tayo sa ating mga kasamahan sa Senado na kaagad magsagawa ng imbestigasyon upang makita kung may pagkukulang ba ang school, saan ang naging problema, at paano maiwasan ang ganitong mga insidente sa ating mga paaralan,” ani Tulfo. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here