Home NATIONWIDE Batas vs ‘hostage’ sa ospital, pinagtibay ng Senado

Batas vs ‘hostage’ sa ospital, pinagtibay ng Senado

1
0

MANILA, Philippines – Pinagtibay ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang isang panukalang batas na nagbabawal sa alinmang pagamutan pribado man o pampubliko na gawing hostage ang sinuman kapag hindi nakabayad sa gastusing-medikal.

Sa pahayag, inihayag ni Senate President Win Gatchalian na pag-aprubahan inaprubahan  ng Senado ang panukalang batas, kung saan isa siya sa mga co-author, na magbibigay ng mas matibay na proteksyon laban sa ‘hospital detention’ dahil sa hindi nabayarang hospital bills.

Palalawakin ng Senate Bill No. 1511, na nag-aamyenda sa Republic Act No. 9439, ang saklaw ng proteksyon sa mga pasyente upang isama ang kanilang mga kamag-anak, sinumang kinatawan, caregiver ng mga pasyente, at bagong silang na sanggol.

Sa ilalim ng panukalang batas, itinuturing na ‘detention’ ang pagpigil sa isang pasyente, kamag-anak, kinatawan, caregiver, newborn, o yumao na makaalis o ma-release mula sa isang ospital, medical clinic, at iba pang katulad na pasilidad dahil sa hindi nababayarang hospital bills o anumang gastusing medikal, at professional fees.

Kabilang sa mga itinuturing na ‘hospital detention’ ang pagtangging i-discharge ang isang pasyente o ilabas ang mga dokumentong kailangan para sa pag-discharge, pagpapalibing, o pagkuha ng benepisyo.

Maituturing ding ‘detention’ ang pagtangging alisin ang medical devices, hindi pagsasauli ng mga personal na gamit, o pag-release sa mga labi ng isang yumaong pasyente.

“Itinataguyod natin ang kapakanan ng mga pasyente at kanilang mga pamilya sa ating pagsisikap na tuluyang ipagbawal ang hospital detention dahil sa mga hindi nababayarang hospital bills,” pahayag ni Gatchalian.

Hindi saklaw ng batas ang mga pasyenteng naka-admit sa private rooms, maliban kung inilagay sila sa private room kahit malinaw silang humiling ng non-private room.  Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here