Home HOME BANNER STORY Bato ipaaaresto kapag tinangkang lumabas ng bansa – DOJ

Bato ipaaaresto kapag tinangkang lumabas ng bansa – DOJ

65
0

MANILA, Philippines – Handang ipaaresto ng Department of Justice (DOJ) si Senator Bato Dela Rosa sakaling mangtangkang lumabas ng bansa.

Sa press briefing, sinabi ni Justice Secretary Fredderick Vida na ipinag-utos na niya ang pagpapaigting ng pagbabantay sa posibleng paglipad ng senador.

Ayon pa kay Vida, tinuturing ng DOJ na pangungutya sa hustisya kung magtatangkang lumabas ng Pilipinas ang Senador.

Sa ngayon, nag-isyu na aniya ang Bureau of Immigration ng Lookout Bulletin Order laban Kay Dela Rosa.

Pero sakali naman aniyang lumabas ng bansa si Dela Rosa ay maaari itong harangin ng immigration officer para arestuhin.

Matatandaang inisyuhan na ng ‘arrest warrant’ si Dela Rosa ng International Criminal Court (ICC) kaugnay sa kasong crimes against humanity hinggil sa drug war ng dating administrasyon Duterte. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here