Home NATIONWIDE Bato: Mga lindol sa Pinas ‘di titigil ‘gat ‘di napapauwi si Zaldy...

Bato: Mga lindol sa Pinas ‘di titigil ‘gat ‘di napapauwi si Zaldy Co

284
0

MANILA, Philippines – Hinikayat ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa si dating Ako Bicol Representative Zaldy Co na umuwi na sa bansa, sabay sabing hindi titigil ang mga lindol hangga’t hindi siya bumabalik.

“Maawa ka na sa Pilipinas Zaldy! Palagi daw itong lilindolin hanggat hindi ka umuwi!” ayon sa post ni Dela Rosa sa Facebook matapos ang 7.4 magnitude na lindol na yumanig sa karagatan ng Manay, Davao Oriental nitong Biyernes.

“Kahit nakasquat na ako sa lupa kanina, nahihilo pa rin ako sa lakas at tagal ng lindol,” dagdag niya bago tinapos ang post sa, “Umuwi ka na please.”

Umabot na sa mahigit 14,000 reactions ang naturang post na umani ng halo-halong komento mula sa mga netizen. Si Co ay nasasangkot sa umano’y multibillion-peso flood control corruption scandal.

Ayon sa Office of Civil Defense, hindi bababa sa isang katao ang nasawi sa Davao Region matapos ang malakas na lindol. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here