Home HOME BANNER STORY Bato nasa Pinas lang, nagtatago sa kidnapers – Padilla

Bato nasa Pinas lang, nagtatago sa kidnapers – Padilla

44
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Senator Robinhood Padilla nitong Lunes na “nagtatago” si Senator Ronald “Bato” dela Rosa dahil ayaw nitong makidnap, sa gitna ng mga tanong tungkol sa kanyang kinaroroonan kahit wala pa umanong inilalabas na arrest warrant laban sa kanya.

“Basta ako Si Bato ayaw niyang makidnap,” pahayag ni Padilla sa mga mamamahayag noong Mayo 18, kaugnay ng isyu sa pagkawala ng senador sa publiko.

Ito ang unang pagharap ni Padilla sa media mula noong Huwebes, nang napaulat na kasama niya si Dela Rosa nang umalis ito sa Senado ilang oras matapos ang insidente ng pamamaril sa loob ng Upper Chamber.

Tinanong kung naninindigan siyang walang krimeng nagawa, sinabi niya: “Sabi ni Senator Alan wala namang warrant si Bato.”

Tumanggi siyang kumpirmahin ang ulat na siya mismo ang nagmaneho palabas ng Senado sa naturang senador at sinabing sasagutin niya ang lahat ng tanong sa isang opisyal na imbestigasyon.

Itinanggi rin ni Padilla na nakita sila ni Dela Rosa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) o na tumakas sila sakay ng yate, at iginiit na walang saysay na magpakita sila sa mga ganoong lugar, lalo na sa paliparan.

Gayunman, nilinaw niya na hindi aalis ng bansa si Dela Rosa.

“Hindi gagawin ni Bato yun. Mahal niya ang Pilipinas,” dagdag niya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here