Home NATIONWIDE Bayad ng POGO foreign workers sa working visa ‘di ibabalik – BI

Bayad ng POGO foreign workers sa working visa ‘di ibabalik – BI

86
0

MANILA, Philippines- Iginiit ng Bureau of Immigration (BI) sa mga dayuhang namamasukan sa Philippine offshore gaming operators (POGO) at internet gaming licenses (IGL) companies na hindi ibabalik ang kanilang ibinayad para sa kanilang working visa.

Inihayag ito ni Immigration spokesperson Dana Sandoval isang araw matapos ipahayag ng bureau na ang mga dayuhang manggagawa ng POGO at IGL ay binigyan ng dalawang buwan na palugit upang umalis sa bansa kasunod ng pagbabawal sa kanila.

Nabatid na ang isang working visa ay nagkakahalaga ng P32,460 na sumasaklaw sa visa at alien certificate of registration (ACR) I-Card fees.

Matatandaan na sa ikatlong State of the Nation Address noong Hulyo 22, inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbabawal sa mga POGO, isang industriyang may bahid ng mga kontrobersiya at ilegal na aktibidad sa bansa.

Sinabi ng BI na mayroong 20,000 foreign nationals na nagtatrabaho sa POGOs at IGLs sa bansa at 70 porsyento sa kanila ay Chinese nationals.

Dahil dito, nitong Miyerkules ay binigyan ni BI Commissioner Norman Tansingco ng 60 araw ang mga dayuhang manggagawa ng POGO at IGL para umalis ng bansa simula Hulyo 26.

Nagbabala si Tansingco na ang mga lalabag ay sasailalim sa deportation proceedings. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here