Home ENTERTAINMENT Bayani, sinisisi sa isyung hiwalayan nina Maine at Arjo!

Bayani, sinisisi sa isyung hiwalayan nina Maine at Arjo!

190
0

Manila, Philippines – Burado na ang TikTok video na ipinost ni Bayani Agbayani na kuha sa birthday celebration ng mag-amang Art at Ria Atayde.

Naging mitsa kasi ‘yon ng ispekulasyon na hiwalay na ang mag-asawang Maine Mendoza at QC Rep. Arjo Atayde.

Kapansin-pansin kasi na in full force ang buong pamilya maliban kay Maine.

Post ng isang observant netizen: “Hiwalay na ba sina Arjo at Maine?

“Sa TikTok video ni Bayani Agbayani kagabi, complete ang Atayde family sa bday celeb nina Ria at Mr. Arturo minus Maine Mendoza. Siya lang ang wala.”

Mabilis itong kumalat, na agad ding deleted ang video.

Inili-link tuloy kina Arjo at Maine ang blind item pointing to a power couple whose marriage is on the rocks.

Pinalagan naman ito ng mga ArMaine fans.

Anila, huwag gawing basis ang absence ni Maine sa naturang family affair.

“Puwede namang absent lang, hiwalay agad?!” pag-alma ng isa sa kanila.

At presstime, wala pang reaksyon dito ang Eat Bulaga host.

Kung magugunita, July 2023 nang idaos nina Maine at Arjo ang kanilang intimate wedding sa City of Pines. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here