Home ENTERTAINMENT Bea at Dom, nagkita, nagdedmahan!

Bea at Dom, nagkita, nagdedmahan!

222
0

Manila, Philippines – Awkward nga namang makita sa isang pagtitipon ang mga dating magkarelasyon lalo’t theirs wasn’t exactly a happy ending.

Dedmahan nga ang nasaksihang eksena sa birthday celebration ni Dr. Aivee Teo na ginanap sa The Back Room sa Taguig City kamakailan.

Of all the guests, akalain n’yong doon pa nagkita-kita ang mag-ex na sina Bea Alonzo at Dominic Roque?

What proved to be even more awkward ay kasama ni Dom ang nobya niyang si Sue Ramirez.

Sa isang photo na finlex ng cosmetic surgeon, mapapansing nasa bandang gitna si Bea who looked blooming.

Nasa kabilang side naman sina Dom at Sue kasama ang ilan pang celebrity attendees.

Present were Maja Salvador, Nadine Lustre, Sarah Lahbati, Kyline Alcantara, Carlos Yulo and fiancee Chloe San Jose at iba pa.

Pero sa larawang ipinost separately ni Bea ay hindi na makikita doon sina Sue at Dom.

All eyes were silently on them and Bea kung nagpansinan nga ba ang mga ito.

Pero siyempre, given na if they pretended not to see each other.

Ang mahalaga, on their own Bea and Dom have since moved on with their lives.

Kitang-kita naman daw ‘yon sa aura ni Bea na mukhang masaya with her newfound love, Vincent Co. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here