Home ENTERTAINMENT Bea, mahilig ‘kumalabit’ kay Vincent!

Bea, mahilig ‘kumalabit’ kay Vincent!

2
0

Manila, Philippines – Nag-react ang mga katikatera at sawsawera sa naging pahayag ni Bea Alonzo hinggil sa estado ng kanyang lovelife bilang Mrs. Co.

Ayon kasi sa actress, sobrang saya raw siya at fulfilled sa buhay bilang may asawa na.

Sey pa niya, siya raw iyong tipong mas clingy kesa sa kanyang mister.

“I’m more clingy,” aniya.

Dagdag pa niya, bagama’t magkaiba raw ang love language nila ng asawang si Vincent ay nagagawa nilang balansehin ang lahat.

Mas ma-hug o malambing daw kasi siya kumpara sa hubby.

“Magkaiba kasi kami ng love language. Yung love language niya are acts of service and quality time. Ako naman physical touch and words of affirmation,” pagbabahagi niya.

“So we show our love in different ways. Ako yung mga ‘I love you,’ mga massage, and yeah, ma-hug,” dugtong niya.

Happy din daw siya sa kanyang ‘wife era’ o bagong kabanata ng kanyang buhay.

Katunayan, lagi raw siyang nasasabik na umuwi ng bahay para makapiling ang kabiyak.

“I’m really happy in my ‘wife era.’ I look forward to going home to see him. No matter how chaotic the world gets, I know that there’s someone waiting for me at home who loves me and..

“But yeah, I’m enjoying this chapter of my life 100%,” pagsisiwalat niya.

Ito naman ang samu’t-saring reaksyon ng kibitzers nang mapag-usapan ang kanyang pahayag sa umpukan ng mga tsismosang kapitbahay.

“Mas clingy si teh. So, mahilig kalabitin si mister.”

“Tapos siya pa iyong ma-I love you, may pa-massage at may pa-hug.”

“Iba talaga ang aura niya ngayon. Mas magaan at halatang sobrang in love.”

“Wow, looking forward daw laging makauwi para sa mister.”

“Di kaya naglilihi na si Queen B?”

“Bakit may ganyang pa-reveal. Akala ko ba mas bet lang niya na magkaroon ng privacy tulad ng kasal niya na nailihim nila.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here