Home ENTERTAINMENT Bea, nagpa-freeze na ng itlog?

Bea, nagpa-freeze na ng itlog?

244
0

Manila, Philippines – Nag-flex si Bea Alonzo ng picture lulan ng chopper.

It was to jumpstart a thread of comments among the netizens.

Basically, gustong malaman ng mga ito kung pag-aari raw bang aktres ang sinasakyang helicopter.

Sabad naman ng isa, kung totoo raw that Bea owns it ay nakakalungkot daw talaga ang katotohanan.

Na kay Bea na raw halos ang lahat any woman her age would wish to have: maganda, maraming pera.

Pero hindi raw maikakaila that money can’t buy happiness.

As usual, ginawa na namang reference ang kawalan ng anak ni Bea at this critical point in her life.

May rumored boyfriend naman si Bea in the person of Vincent Co pero wala pa silang ginagawang pag-amin.

Isang netizen tuloy ang may unsolicited advice sa aktres: bakit hindi raw gayahin nito si Korina Sanchez?

Obyus na ang tinutumbok ng netizen ay ang pagpi-freeze ni Korina ng kanyang mga eggs para magkaanak.

Sa pamamagitan nga nito’y nabiyayaan sila ng asawang si Mar Roxas ng mga anak na sina Pepe at Pilar.

Isa namang netizen ang nagkumpirma na actually, nagpa-freeze na raw si Bea.

Na-anticipate na raw ito ng aktres, knowing na matalino raw ito.

True kaya? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here