Home METRO Bebot, 4 iba timbog sa buy-bust ops sa Elyu

Bebot, 4 iba timbog sa buy-bust ops sa Elyu

133
0

LA UNION, Philippines – Swak sa kulungan ang isang babai at apat na lalaki matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng San Juan ng lalawigang ito nitong Biyernes ng gabi, Marso 27.

Ayon sa mga awtoridad, ang babaing suspek ay 23-anyos, walang asawa, residente ng San Fernando City, La Union.

Dalawa sa mga lalaking kasama nito na mga edad 24 at 34 ay parehong residente ng Balaoan, La Union  samantalang ang dalawang iba pa na mga edad 24 at 28 ay pareho namang residente ng San Fernando City, La Union.

Ang naturang buy-bust operation ay ikinasa ng mga pinagsanib na puwersa ng LUPDEU (lead unit), PDEA RO1 RSET, LUPIU, San Juan MPS, Bacnotan MPS at RID PRO1

Bandang 6:07 nang gabi nang isagawa ng mga awtoridad ang buy-bust operation na tumagal hanggang 10:20 ng gabi.

Sa naturang buy-bust operation ay nakarekober ang mga awtoridad ng apat na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at isang rolled foil and folded receipt paper na naglalaman naman ng hinihinalang dried marijuana leaves with fruiting tops.

Tumitimbang ng 6 na gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P40,800.00 ang narekober na hinihinalang shabu samantalang tumitimbang naman ng isang gramo, na nagkakahalaga ng P120 .00 ang narekober na hinihinalang dried marijuana leaves with fruiting tops.

Bukod sa mga narekober na drug evidence, may mga narekober din ang mga awtoridad na mga itinuturing nilang non-drug evidence.

Ginawa ang inventory at markings sa mga nakumpiskang ebidensya doon mismo sa lugar kung saan nangyari ang buy-bust operation sa presensya ng mga mandatory witness at ng mga suspek. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here