Home METRO Bebot laglag sa illegal na droga sa dating live-in partner na pulis

Bebot laglag sa illegal na droga sa dating live-in partner na pulis

235
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng isang Police Master Seargent ang dati nitong kalive-in-partner matapos maaktuhang sumisinghot ng shabu sa Valenzuela City.

Sa ulat na tinanggap ni Valenzuela Police OIC chief P/Col. Joseph Talento, nagtungo ang suspek na si alyas “Mary”, kasama ang kanilang mga anak sa bahay ng kanyang dating kinakasama na pulis na isang Police Master Sargent na nakalaga sa Patrol Base-9 ng Valenzuela CPS.

Dahil dito, niyaya sila ng complainant na kumain sa labas subalit. Hindi umano sumama ang suspek kaya ang kanilang mga anak na lamang ang sinama nito at naiwan sa kanyang bahay sa Brgy., Malanday si ‘Mary’.

Gayunman, pagsapit nila sa stoplight sa Malanday ay naalala ng complainant na naiwan ang kanyang wallet kaya nagpasya itong bumalik sa bahay niya.

Pagdating ng complainant sa kanyang bahay dakong alas-7:15 ng gabi, naaktuhan niya ang suspek na sumisinghot umano ng droga na naging dahilan upang arestuhin niya ito.

Nakumpiska ng complainant sa suspek ang isang nakabukas na plastic sachet na may bahid ng umano’y shabu, anim na plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2,924, coin purse, cellphone, ID at drug paraphernalias.

kasong paglabag sa Sections 11, 12 at 15 under Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa ng pulisya laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here