Home METRO Bebot na naniningil ng utang pinagbabaril sa Vigan

Bebot na naniningil ng utang pinagbabaril sa Vigan

VIGAN CITY, Ilocos Sur – Pinagbabaril ang isang babaeng nangungulekta ng utang sa Barangay III dito noong bisperas ng Bagong Taon.

Kinilala ni Police Lt. Col. Reynante Pitpitan, hepe ng Vigan police ang biktima na si Rhona Osalvo, 36, ng Shelterville, Barangay San Julian, nitong lungsod.

Ayon sa imbestigasyon, nangongolekta si Osalvo ng utang mula sa isang borrower nang sumiklab ang mainit na alitan.

Bumunot ng kalibre .45 na pistola ang suspek at binaril sa ulo ang biktima.

Dead on the spot si Osalvo at tumakas ang suspek sakay ng isang motorsiklo.

Sinusuri ng pulisya ang mga surveillance footage sa lugar upang makilala ang suspek. Santi Celario