LEGAZPI CITY, Albay – Nasa 500 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.6 milyon ang nasabat ng mga awtoridad sa buy-bust operation dito noong Huwebes, Nobyembre 30.
Sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bicol na dalawang hinihinalang tulak ng droga ang naaresto, kabilang ang isang provincial drug-listed personality, cluster target na kumikilos sa Visayas, na kinilalang si Sandra A. Floralde.
Nasamsam mula sa mga suspek ang mga ebidensiya tulad ng droga at mga electronic receipt ng money transfer transactions na isinailalim sa financial investigation, sabi ng PDEA na nagsagawa ng operasyon kasama ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI).
Sinampahan ng kasong may kinalaman sa droga ang mga suspek.
Ang operasyon ay bahagi ng “Oplan: Heavy Gut” na ipinatutupad upang hadlangan ang kalakalan ng iligal na droga sa Albay at mga kalapit na lalawigan. Santi Celario