Home METRO 2 mangingisda patay sa kidlat sa CamSur

2 mangingisda patay sa kidlat sa CamSur

CAMARINES SUR – Patay ang dalawang mangingisda matapos na tamaan ng kidlat sa magkahiwalay na lugar habang nasa laot sa Camarines Sur.

Sinabing nangyari ang unang insidente noong Miyerkules sa karagatang sakop ng Lagonoy, Camarines Sur kung saan nakita na lang ng ibang mangingisda ang wasak na bangka ng biktima na taga-barangay Mapid.

Samantala, sa kaparehong araw dakong 4 am nang makidlatan naman ang isa pang mangingisda na nasa laot sa bahagi naman ng Tinambac, Camarines Sur.

Nasawi ang 30-anyos na biktima, habang masuwerteng nakaligtas ang kaniyang ama. RNT

Previous articleBebot timbog sa P1.6M droga
Next article82-anyos na magsisimba sana patay sa bundol; driver, tumakas