Home NATIONWIDE 82-anyos na magsisimba sana patay sa bundol; driver, tumakas

82-anyos na magsisimba sana patay sa bundol; driver, tumakas

Laguna, Philippines – Patay ang isang 82-anyos na ginang na magsisimba sana matapos na masagaasn ng SUV habang tumatawid sa pedestrian lane sa Alaminos, Laguna.

Nakaladkad pa ng halos 20 metro ang biktimang si Yolanda Cuenca nang masagasaan pero imbes na hintuan, humarurot pa patakas ang suspek.

Hindi naman nahagip ang plaka ng nakabanggang SUV sa CCTV kaya patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya.

Nanawagan naman ng hustisya ang mga kaanak ng biktima. RNT