Home METRO Barangay chairwoman, asawa utas sa riding in tandem

Barangay chairwoman, asawa utas sa riding in tandem

TARLAC- DUGUAN bumulagta sa gilid ng kalsada ang isang barangay chairwoman at mister nitong matapos silang pagbabarilin ng riding in tandem suspect habang nagbibisikleta ang mag-asawa, Biyernes ng umaga sa bayan ng Ramos.

Kinilala ang mga biktimang sina Editha Sarsuela, 60-anyos, punong barangay ng Plastado, Gerona, at kanyang asawa na si Edgar, 68.

Batay sa report ng Ramos Municipal Police Station, bandang 7:00AM ng maganap ang krimen sa Barangay San Juan, Ramos, Tarlac.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, sakay ang mag-asawa ng kanilang bisikleta ng bigla na lamang silang pagbabarilin ng isa sa mga suspek na nakamotorsiklo.

Tinamaan sa tagiliran bahagi ng katawan si Editha habang sa ulo naman ang tama ng kanyang mister na naging sanhi ng agaran nilang kamatayan.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang mga suspek patung sa direksyon ng Barangay Carbonel ng naturang bayan.

Sa pagresponde ng mga awtoridad sa lugar ng pinangyarihan ng krimen nakapulot sila ng mga basyo ng .45 kalibre na baril na pinaniniwalaan ginamit sa pamamaril.

Ayon kay Major Marvin Mara, hepe ng Ramos MPS, nagpapatuloy ang kanilang ginagawang follow-up investigation maging ang mga kuha sa CCTV footage sa pagkakakilanlan sa mga suspek at agaran ikadarakip sa mga ito.

Inaalam na rin ng pulisya ang tunay na motibo sa krimen./Mary Anne Sapico

Previous article82-anyos na magsisimba sana patay sa bundol; driver, tumakas
Next articleMRT-3 fare hike magpapabawas sa gov’t subsidy – DOTr