Home NATIONWIDE Bedridden patay, 3 pa sugatan sa sunog sa Maynila

Bedridden patay, 3 pa sugatan sa sunog sa Maynila

MANILA, Philippines – Patay ang isang 86 anyos na Chinese matapos umanong ma-trap sa sunog sa isang commercial building sa Ermita, Maynila Linggo ng umaga.

Sa ulat ni Corporal Angelo Bado ng MPD-PS 5, kinilala ang nasawi na si Chiu Deng Kangbakale habang sugatan naman ang kanyang anak na si Peter Kho, 49 anyos.

Sugatan din umano ang dalawa pang bombero.

Nagsimula ang sunog alas-9:32 ng umaga batay sa unang ulat ng Bureau of Fire Protection.

Umabot lamang sa ikalawang alarma ang sunod sa commercial building na matatgpuan sa M.H del Pilar Ermita, Maynila at idineklara itong fire out alas 11:07 ng umaga.

Napag-alaman na may-ari ng nasunog na gusali ang biktima na isa nang bedridden dahil na rin sa katandaa at karamdaman.

Inaalam pa ng mga awtoridad anag sanhi ng sunog na aabot naman sa P900,000 halaga ang jabuuan ng dulot na pinsala. Jocelyn Tabangcura-Domenden