MANILA, Philippines – Suspendido pansamantala ang pagpapalabas ng concessionary beep cards sa lahat ng istasyon ng LRT 1, LRT 2, at MRT 3 mula December 22, 2025 hanggang January 4, 2026 para sa system maintenance, ayon sa beep™.
Ayon sa Facebook post ng beep™, magsisimula muli ang issuance ng cards sa January 5, 2026.
Ang Concessionary Card Issuance Program (CCIP) ay nagbibigay awtomatikong 50% diskwento sa pamasahe para sa mga senior citizens, estudyante, at persons with disabilities sa pamamagitan ng “tap-in, tap-out” system.
Ang mga cards ay valid ng apat na taon mula sa petsa ng issuance. Kailangan lang ng mga estudyante na i-renew ang validity kada bagong school year kung sila ay patuloy na naka-enroll.
Para makakuha ng CCIP card, kailangan magpakita ng valid I.D., magpa-encode at magpa-picture, pumirma sa acknowledgement form, magbayad ng P30 na one-time fee, at maghintay para sa card printing at issuance. RNT/MND