MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang Benguet nitong hapon ng Huwebes, Hulyo 9.
Ayon sa PHILVOCS, tumama ang lindol 2:33 ng hapon.
Naitala ang sentro nito malapit sa Tuba, Benguet.
Tectonic in origin ang lindol at may lalim na 10 kilometro.
Samantala, naitala naman ang mga sumusunod na instrumental intensity ng lindol:
Intensity V – City of Baguio, BENGUET
Intensity IV – Aringay, LA UNION
Intensity III – Sison, PANGASINAN
Intensity II – Urdaneta, PANGASINAN
Intensity I – Cuyapo, and Lingayen PANGASINAN
Walang inaasahang aftershock o pinsala sa nangyaring lindol. RNT/JGC