Home ENTERTAINMENT Benjie, nanghina, na-confine!

Benjie, nanghina, na-confine!

Manila, Philippines – Hangga’t maaari ay ayaw mangialam si Benjie Paras sa lovelife ng kanyang two boys.

The former cager sires Andre and Kobe with former actress Jackie Forster.

Kapwa masaya naman ang magkapatid with their respective girlfriends, maliban nga lang kay Kobe na hindi pa umaamin sa real score nila ni Kyline Alcantara.

While Benjie refuses to get in the way of his sons’ personal lives, mukhang boto naman siya kay Kyline for Kobe.

Patunay ang pagsasama nila at an establishment: Benjie, his kids with their girls.

Samantala, hinay-hinay ngayon si Benjie sa trabaho lalo sa mga bagay na nagdudulot ng stress.

Tatlong araw pala siyang na-confine sa ospital sa pagpupumilit na rin ng kanyang doktor.

It so happened na may lakad daw siya one day nang bigla na lang daw siyang makaramdam ng panghihina.

Nag-shoot up din daw ang kanyang blood pressure.

Ayon sa initial findings, irregular ang heartbeat ng komedyante.

Niresetahan siya ng gamot good for a month, pero hindi naman daw ito maintenance.

Buti na lang din, hindi na niya kailangang sumailalim sa angiogram.

Benjie attributes his condition to stress lalo’t grabeng pagod daw ang dinanas niya noong aktibo pa siya sa professional basketball.

May medical checkup siya uli makaraang makumpleto niya ang pag-inom ng niresetang gamot sa loob ng isang buwan. Ronnie Carrasco III