Home METRO Bentahan ng paputok ‘bantay-sarado’ ng mga parak sa Bulacan

Bentahan ng paputok ‘bantay-sarado’ ng mga parak sa Bulacan

312
0

BULACAN, Philippines – Para sa ligtas na bagong taon ay tuloy-tuloy ang pagbabantay at inspeksyon ng mga awtoridad sa lahat ng tindahan ng pailaw at paputok sa lalawigang ito.

Sa report ng Bulacan Police Provincial Office nitong umaga ng Disyembre 28, nagsagawa ng  ocular inspection ang mga tauhan ng San Jose Del Monte police station sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Reyson Bagain sa mga firecraker at iba pang pyrotechnics stalls sa loob ng kanilang area of responsibility.

Nagsagawa din ng inspeksyon ang San Rafael, San Miguel, Bocaue , DRT at iba pang istasyon upang matiyak ang pagsunod sa umiiral na batas at regulasyon.

Pinaalalahanan ng pulisya ang mga stall owners hinggil sa tamang safety measures at mga legal na rekisitos upang maiwasan ang sunog at iba pang insidenteng may kinallaman sa paputok lalo na sa nalalapit na pagdiriwang ng bagong taon.

Sinasabing mahigpit na pinaiiral ang “no testing” sa mga binibentang paputok at bawal din ang mag-yosi ang mga mamimili malapit sa mga tindahan upang maiwasan ang hindi inaasahang insidente ng sunog o pagsabog.

Sinusulat ito, ilang araw bago magbagong taon, sinasabing patuloy ang pagdagsa ng mga parokyano sa bayan ng Bocaue na tinaguriang fireworks capital ng bansa sa kabila ng umanoy pagtaas ng presyo ng mga pailaw at paputok dito. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here