Bulacan – Patay ang isang beteranong siklista matapos mabuwal at aksidenteng masagasaan ng truck sa lungsod ng Baliwag.
Kinilala ang kalunos-lunos na biktima na si Joe Delos Santos, senior citizen pawang residente ng Brgy. San Roque.
Sa nakalap na impormasyon, naganap ang insidente nitong Agosto 16 sa highway sakop ng Brgy. San Roque ng naturang lungsod.
Ayon sa impormasyon, aksidenteng nabuwal ang biktima lulan ng bisikleta nang masagasaan at kaladkarin ng mini dump truck na ikinalasog ng ulo at binti na kanyang agarang ikinamatay.
Sinasabing ang biktimang siklista ay kasapi ng Philippine Cycling Team, tatlong beses nagkampeon noon sa Marlboro tour at nag-uwi na rin ng ilang karangalan mula sa kompetisyon sa ibang bansa.
Bumuhos naman ang pakikiramay ng mga kaibigan, kaanak at ng mga kapwa sa beteranong siklista.(Dick Mirasol III)