Home NATIONWIDE BFP inspectors pinagsusuot ng body cams vs illegal na pagbebenta ng fire...

BFP inspectors pinagsusuot ng body cams vs illegal na pagbebenta ng fire extinguisher – DILG chief

318
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Lunes, Setyembre 1, na ang mga inspector mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) ay kinakailangang magsuot ng mga body camera simula 2026 upang maiwasan ang mga ito sa illegal na pagbebenta o pag-endorso ng mga fire extinguisher.

“Ngayon, may memorandum circular na kami. Starting next year, nagpa-requisition ako ng 5,000 body cams. Tapos magkaka-system kami. Kasi ‘yung mga fire inspector natin, napaka-notorious sa pagbenta ng fire extinguisher,” sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla sa interbyu.

“Kung may mag-complain, makikita namin kung ano ang usapan nila,” dagdag pa nito.

Binanggit ni Remulla ang kamakailang insidente kung saan sinabihan umano ng isang fire inspector sa Taguig City ang pamunuan ng Italian Embassy na bumili ng isang partikular na brand ng fire extinguisher.

“Katulad noong isang araw lang, ambassador ng Italy, nag-complain sa akin. Pumasok sa opisina ng consular office ng Italy. Sinabi ng fire inspector ng Taguig, ‘This is not the brand that we recommend para sa fire extinguisher.’ Mali naman ‘yun Ano kasi yan, standards lang, hindi naman brand,” sinabi pa nito. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here