Home ENTERTAINMENT Bianca, posibleng balikan si Sen. Sherwin!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Bianca, posibleng balikan si Sen. Sherwin!February 12, 2026 20:022190 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Lumikha ng ingay ang panayam ni Korina Sanchez kay Senator Sherwin Gatchalian sa On Point sa Bilyonaryo News Channel.May inihabol kasing tanong si Korina tungkol sa lovelife nito.Alam sa social circles na nobya ng mambabatas ang ex-beauty queen na si Bianca Manalo.“Oh, by the way, one last question…how’s your lovelife?” hirit ni Mrs. Roxas.Sagot ng senador: “It’s non-existent!”Matagal nang usap-usapang hiwalay na sina Sherwin at Bianca.Talks particularly ran wild last year nang mapansing burado na sa Instagram ang mga photos nila together.Meanwhile, naitsika pala ni Bianca sa kanyang mga close friends ang status nila ng senator-BF.Hindi daw itinatanggi nitong hiwalay na sila.Despite their breakup, may communication pa rin daw ang ex-couple.Ang maganda sa setup nila ngayon, nakikita ng either party ang malaking posibilidad na sa balikan din mauuwi ang lahat.Bianca has yet to confirm this — go girl — speak up! Ronnie Carrasco III