Home NATIONWIDE BIFF leader, 11 pang terorista tigbak sa operasyon

BIFF leader, 11 pang terorista tigbak sa operasyon

MAGUINDANAO DEL SUR- PATAY ang lider Bangsamoro Islamic Freedom Fighters-Karialan Faction at 11 isang miyembro sa inilatag na operasyon ng militar nitong Lunes, Abril 22 sa lalawigan ito.

Kinilala ang namatay na lider na si Mohiden Animbang alias Kagui Karialan, kapatid nito at 9 na iba pang miyembro.

Sa report ng 6th Infantry ‘Kampilan’ Division, bandang 10:30 AM ng maganap ang sagupaan sa Sitio Pendililang Barangay Kitango, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur.

Ayon kay Col. Dennis Almorato, 6th Civil Military Operations (CMO) Commander, inilunsad ng tropa ng 1st Brigade Combat Team, 92nd at 99th Infantry Battalions ang operasyon laban sa BIFF-Karialan faction matapos makatanggap ng report hinggil sa presensya ng grupo sa naturang lugar sa planong pag-atake sa militar.

Pagdating sa nasabing lugar agad na pinaputukan ng teroristang grupo ang mga sundalo at nakasagupa nila ang nasa 15 BIFF.

Tumagal ng higit sa isang oras ang palitan ng putok na nagresulta sa pagkasawi ng 11 kabilang ang lider habang nakatakas ang 4 na miyembro.

Narekober sa lugar ng pinangyarihan ng engkwentro ang 13 matataas na kalibre na armas mula sa mga namatay na miyembro ng BIFF.

Agad naman kinuha ang bangkay ng magkapatid na Mohiden ng kanilang mga kaanak para sa disenteng libing ayon sa tradisyon ng relihiyong Islam.

Habang patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng 9 na bangkay ng BIFF.

Naniniwala naman ang militar na ang pagkasawi ng 11 BIFF kasama ang lider ay senyales na sumuko ang iba pang natitirang miyembro.

Binigyan naman pagkilala ang mga sundalo sa tagumpay na operasyon at tuluyan tuldukan ang karahasan ng teroristang grupo na responsable sa naganap na pambobomba, pag-atake sa mga tropa ng karahasan sa rehiyon ng Bangsamoro. /Mary Anne Sapico