BULACAN, Philippines – Arestado ang tatlong indobiduwal kabilang ang High-Value Indibidual (HVI) nang mahulihan umano ng P374,000 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa San Jose Del Monte (SJDM) nitong gabi ng Pebrero 25.
Sa ulat ng SJDM police station, kinilala ang naarestong HVI na si alyas ‘Dan’ at dalawa pang kasabwat na sina alyas “Volt” at “JP”.
Ayon sa ulat ng istasyon, naganap ang operasyon bandang 8:45 ng gabi sa isang village sa Brgy. Kaypian.
Nabatid na isang sachet ng hinihinalang shabu ang nabili ng poseur buyer sa mga suspek kapalit ang P1000 marked money kaya agad silang inaresto ng mga pulis sa lugar.
Nakumpiska sa operasyon ang marked money, tatlong karagdagang sachet ng hinihinalang shabu na tumimbang ng kabuuang 55 gramo at may street value na P374, 000.
Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nasa kustodiya ng istasyon. (Dick Mirasol III)