MANILA, Philippines – Nasakote ng pulisya ang apat na drug suspects, kabilang ang isang high-value target (HVT), at nasamsam ng humigit-kumulang P23 milyon halaga ng shabu sa Caloocan City nitong Huwebes.
Sa isang pahayag, sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) acting chief Brig. Gen. Anthony Aberin na ang mga suspek ay naaresto sa isang operasyon sa Barangay 188, Caloocan City.
Sinabi ni Aberin na isang poseur buyer ang bumili ng shabu mula sa mga suspek, na humantong sa kanilang pagkakaaresto at nakuhang 3.42 kg. shabu.
Nasa kustodiya ng pulisya ang mga suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5, 11, at 26 ng Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Acts of 2002. RNT