Home TOP STORIES Bilang ng mga kumpirmadong nasawi sa Japan quake, umabot na sa 28

Bilang ng mga kumpirmadong nasawi sa Japan quake, umabot na sa 28

16
0

KUMAMOTO, Japan – Umabot na sa 28 katao ang nasawi matapos ang 7.1-magnitude na lindol na tumama sa Kumamoto, Japan noong Martes, habang patuloy ang paghahanap ng mga rescuer sa mga posibleng nakaligtas sa Aeon shopping mall na nasira matapos ang hinihinalang malakas na pagsabog ng gas.

Ayon sa isang opisyal ng disaster management office, 10 katao na ang nahugot mula sa guho ng mall. Apat ang kumpirmadong patay, isa ang walang vital signs, at lima ang nagtamo ng malubha at bahagyang pinsala.

Malawak ang pinsalang dulot ng lindol sa Kyushu, kabilang ang pagkawasak ng mga bahay, pagkasira ng mga tulay, mga sunog, at pagkawala ng kuryente at tubig sa libo-libong residente. Inaasahang aabot sa 38°C ang init ngayong weekend.

Sa Nippon Paper Industries factory sa Yatsushiro City, lima rin ang kumpirmadong namatay at apat ang nawawala matapos gumuho ang bahagi ng isang malaking smokestack.

Hanggang Huwebes ng umaga, 22,670 kabahayan at pasilidad ang wala pa ring kuryente, habang humigit-kumulang 84,000 bahay ang nakararanas ng problema sa suplay ng tubig. Nagpadala rin ang mga awtoridad ng daan-daang air-conditioning unit sa mga evacuation center.

Isa ang Japan sa mga bansang madalas tamaan ng lindol dahil matatagpuan ito sa Pacific Ring of Fire, at nananatiling sariwa sa alaala ng marami ang 2011 magnitude 9.0 na lindol at tsunami na kumitil o nagdulot ng pagkawala ng humigit-kumulang 18,500 katao at sumira sa Fukushima nuclear plant. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here