Home NATIONWIDE Bilang ng mga nabiktima ng paputok, umabot na sa 140

Bilang ng mga nabiktima ng paputok, umabot na sa 140

277
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa 140 ang bilang ng mga nabiktima ng paputok, ilang araw bago ang pagdiriwang ng Bagong Taon.

Sa datos ng DOH, naitala ang nasabing datos mula December 21, 2025 hanggang alas-4:00 am ng December 30 2025.

Sa nasabing bilang, 68% o katumbas ng 95 sa mga biktima ay nasa 19-anyos pababa habang, 32% ay 20-anyos pataas.

Ayon pa sa DOH, ang mga naturang datos ay mula sa 62 hospital na kanilang minomonitor at binabantayan para sa mga firework-related injuries.

Pinakamaraming nabiktima dahil sa paputok ay mula sa boga, 5-star at mga hindi matukoy na uri ng paputok.

Paalala ng DOH sa publiko, agad na dalhin sa ospital kung may nabiktima dulot ng paputok o kaya ay tumawag agad sa National Emergency Hotline 911 para sa agarang medical assistance. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here