Home NATIONWIDE Bilang ng pumapasadang PUVs sa NCR sapat — DOTr

Bilang ng pumapasadang PUVs sa NCR sapat — DOTr

MANILA, Philippines- Inihayag ni Transportation Secretary Jaime Bautista na sapat ang bilang ng consolidated public utility vehicles (PUVs) na bumibiyahe sa Metro Manila, mahigit isang buwan matapos ang consolidation deadline.

Ayon kay Bautista nitong Linggo, 80% ng PUV operators at drivers ang sumali sa mga kooperatiba bilang bahagi ng PUV Modernization Program (PUVMP), base sa ulat ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

“Merong mga rutang kailangan sigurong bawasan yung vehicles kasi napakarami [for one route],” ani Bautista sa sidelines ng ika-50 anibersaryo ng Maritime Industry Authority.

Gayundin, sinabi ni Bautista na inaayos ng transportation department, LTFRB at Metro Manila local government units ang Local Public Transport Route Plan (LPTRP).

“With the finalization of this LTPRP, talagang masisiguro natin na magiging profitable at sustainable yung mga ruta and that would mean pwede silang maginvest sa modern vehicles.”

Sinimulan ng LTFRB ang paghuli sa unconsolidated PUVs sa pagkansela ng kanilang prangkisa matapos ang kanilang April 30 consolidated deadline. RNT/SA