Home NATIONWIDE Bilyong buwis inaasahang makokolekta sa online sellers

Bilyong buwis inaasahang makokolekta sa online sellers

143
0

INAASAHAN ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na aabot sa bilyun-bilyong piso ang kanilang makokolekta buwis mula sa lumalagong industriya ng e-marketplace matapos nitong isailalim ang mga online sellers sa withholding tax system.

“Itong withholding tax on online transactions, dahil effective na ‘yan, inaasahan natin na malaki rin ang maitutulong nito,” ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. kasabay ng pagdiriwang ng ika-120 anibersaryo ng nasbaing ahensiya.

Sinabi ni Lumagui na hindi pa makapagbigay ng tantiya ang BIR kung magkano ang makokolekta nito mula sa pagpataw ng withholding tax sa mga online sellers.

“But, we’re expecting that ‘yung revenues natin diyan would be in the billions,” ani Lumagui.

Ang plano ng BIR na magpataw ng withholding tax sa mga merchant sa mga e-marketplace ay nagkabisa noong Hulyo 15, 2024.

Sa ilalim ng Revenue Regulation (RR) No. 16-2023 nito, kalahati ng kabuuang remittances ng e-marketplace operations at digital financial services providers sa mga nagbebenta o merchant para sa mga kalakal o serbisyong binayaran sa pamamagitan ng kanilang platform ay sasailalim sa 1% creditable withholding tax.

Gayunman, ang BIR ay nagsabi na ang 1% na withholding tax ay hindi kokolektahin kung ang taunang kabuuang remittances sa isang online seller para sa nakaraang taon na nabubuwisan ay hindi lalampas sa P500,000 at kung ang pinagsama-samang kabuuang remittances sa isang online seller sa hindi pa lumalampas sa P500,000 ang isang taon na nabubuwisan.

Ang withholding tax ay ang halagang pinigil ng isang negosyo sa mga pagbabayad ng mga produkto o serbisyo na direktang ipinadala sa gobyerno sa ngalan ng mga supplier o empleyado. Jay Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here