Home ENTERTAINMENT Bimby bumalik sa US; Kris, may sad news!

Bimby bumalik sa US; Kris, may sad news!

145
0

Los Angeles, USA – Buong akala ng marami’y magtatagal sa bansa si Bimby makaraang umuwi kamakailan.

Ito’y para asikasuhin ang pagpasok niya sa regular school dahil ‘yun naman ang gustong mangyari ng kanyang inang si Kris Aquino.

Bukod dito’y nakahanda na ring pagtuunan ni Bimby ang pagpasok sa showbiz.

Sa katunayan, tinanong nga ni Bimby ang trusted friend ng ina at dating showbiz tabloid editor na si Dindo Balares kung sino raw ang bagay na makatrabaho niya among the actresses his age.

Excited din si Bimby sa kanyang pananatili rito as he had the opportunity to reunite with his relatives.

Kaso, biglang-bigla’y napaagad ang biyahe ng magkapatid pabalik ng Los Angeles, California.

Ayon sa ulat, tila naalarma ang magkapatid sa balitang ipinaalam sa kanila ni Kris.

In her exact words, Kris told them: “I have sad blood results.”

Tila nag-panic sina Joshua at Bimby, wasting no time to get their flight back booked at once.

At bumiyahe nga ang magkapatid pabalik ng LA.

Matatandaang latter part dapat nitong June pa when Bimby was scheduled to come home pero pinigilan siya ng ina.

Nang makauwi, nakipagkita si Bimby sa kanyang kuya’t mga kamag-anak including First Lady Liza Marcos.

Bimby had stayed with his mom for the longest time looking after her.

Mukhang magkakaroon ng pagbabago sa mga plano ni Bimby dala na rin ng maselang kalagayan ng ina. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here