Home ENTERTAINMENT Bimby, may good news sa ina!

Bimby, may good news sa ina!

170
0

Manila, Philippines – Mismong si Bimby Aquino ang nagbalita na kundi sa darating na September, at the latest ay uuwi na ang kanyang ina mula sa Amerika.

Mahigit ding dalawang taon ang pamamalagi ni Kris Aquino sa US to seek medical treatment sa kanyang iniindang autoimmune disease.

The other good news–dagdag pa ni Bimby–“My mom is staying for good!”

Ibig sabihin, dito na sa Pilipinas mananatili ang kanyang ina.

Ito ang ibinahagi ng bunso ni Kris nang makapanayam sa isang birthday event sa BGC.

Kung uuwi na si Kris, ibig bang sabihi y maayos na ang kalagayan nito?

Tugon ni Bimby: “Papunta na po.”

It’s just that kinakallangan daw ng ina ng ibayong hard work to be able to achieve  recovery.

“Hard work and dedication,” ani Bimby.

Inamin din ni Bimby na: “The medicine she’s taking is hard on her. But knowing my mom, she’s a fighter!”

Kris’ scheduled return will reunite her with her sisters Ballsy and Viel.

Miss na miss na raw ng Queen of All Media ang mga ito.

Matatandaang nabanggit ni Kris na kumpiyansa siyang maaalagaan ng kanyang nobyong doktor.

Ito rin ang dahilan kung bakit sinagot niya ang panunuyo nito.

Samantala, sa video call nina Kris at Bimby nang nasa bansa ang huli kamakailan, ikinatuwa ng mga netizens na nagkalaman na raw ang mga pisngi ng una.

Kinakitaan din ng sigla si Kris nang interbyuhin ni Ogie Diaz na bumiyahe pa sa Orange County sa Los Angeles, ang tirahan nito. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here